Sacks of palay seeds from DA distributed to harabas victims


The report….

Tulong mula sa DA: Saku-sakong libreng palay para sa mga naharabas

Namahagi ang Municipal Agriculture Office (MAO) noong Mayo 29 ng libreng palay seeds sa mga magsasakang naapektuhan ng harabas. Ginanap ito sa Kasama Kita sa Barangay Foundation sa Amanperez at pinangunahan ito ng head ng MAO na si Artemio Buezon at iba pang kawani ng departamento.

Ayon kay Buezon, galing sa national office ng Department of Agriculture ang batch na ito ng saku-sakong palay.

May pitong klase ng palay of seeds ang ipinamigay, at mahigit 5,250 packs ang ipinamahaging palay sa mga apektadong magsasaka mula sa iba’t ibang barangay sa Bayambang. Layunin nitong tulungan ang mga magsasakang naperwisyo ng harabas na makabawi sa mga nasira nilang pananim.

Arrow
Arrow
Slider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *