LGU-Pinamalayan, Nag-Benchmarking sa Bayambang

Bumisita ang buong Municipal Planning and Development Office (MPDO) ng Local Government Unit ng Pinamalayan, Oriental Mindoro, sa Bayambang upang mag-benchmarking noong ika-27 ng Disyembre 2018.

Ang MPDO ng Pinamalayan sa pangunguna ng Department Head na si G. Rosenio A. Toriano ay malugod na sinalubong ni Mayor Cezar T. Quiambao at MPDO Coordinator Ma-lene S. Torio, kasama ang lahat ng department heads ng LGU Bayambang.

Kasama ni G. Toriano, na isang registered Environment Planner, sina Development Management Officer IV at MPDC Assistant Patricio L. del Valle, Project Development Officer III Virgilio M. King; Statistician I Orlex H. Marayan, Planning Officer II Fredelino A. Toriano Jr., Project Evaluation Assistant Romel T. Marayan, Information System Analyst II Jan-Neil H. Evangelista, Community Affairs Assistant Reynaldo P. Lazo, at Planning Assistant John Eric G. Mondoñedo.

Ayon kay G. Toriano, ang Pinamalayan ay isang coastal town “at the heart of Oriental Mindoro” at isa ring first-class municipality tulad ng Bayambang. Aniya, “Napili namin ang inyong bayan dahil kami po ay humahanga sa pamamahala ni Mayor Cezar T. Quiambao, sa kanyang focus sa trabaho upang mapalago at mapaganda ang bayan ninyo.”

Sa kanyang welcome remarks sa programang inorganisa ni Senior Tourism Operations Officer Rafael L. Saygo, ibinahagi ni Municipal Chief of Staff at Legal Officer Atty. Raymundo Bautista Jr. ang mga nakamit na award ng Bayambang, kabilang na ang pagpasok nito sa top 27% sa nakalipas na national SGLG assessment, at ang year-end assessment ng LGU upang malaman ng lahat kung gaano na ba kalayo ang naabot ng Bayambang taun-taon. “Isa lamang ang goal namin sa Bayambang: ang magkaroon ng maayos na pamumuhay ang bawat Bayambangueño.”

Kabilang sa mga video presentations sa programa ay ang Best Practices ng LGU Bayambang sa lahat ng larangan, ang tungol sa Bayambang Poverty Reduction Plan under Municipal Administrator-Anti-Poverty Office Atty. Rodelynn Rajini A. Sagarino-Vidad, at ang bamboo industry ng CSFirst Green AID sa pamumuno ng kapatid ni Mayor Quiambao na si G. Romeo T. Quiambao.

“Isang karangalan namin ang inyong pagbisita para sa benchmarking,” wika ni Mayor Quiambao sa mga panuhin. Sa kanyang talumpati naman ukol sa Best Practices ng LGU Bayambang, nabanggit niya ang mga sumusunod bilang pinaka-highlight ng kanyang mga accomplishments as a first-termer local chief executive:
– pagsugpo sa korapsyon sa gobyernong lokal through LGU-wide computerization program at policy of financial transparency,
– ang pagtaas sa local revenue sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Tax Code, na nagresulta sa P256M local revenue versus P250M na pondo galing IRA (or internal revenue allotment), surpassing the 1:1 ratio,
– ang pagpasok sa mga P4 (public-private-people partnership) projects tulad ng Mini-Amusement Park at Rides sa plaza to spur development,
– joint planning and budgeting sessions na nagbigay sa mga department heads sa unang pagkakataon ng tsansang magsumite ng sarili nilang budget,
– paggamit ng husto sa 20% development fund na hindi nagamit ng husto sa loob ng 20 taon (dahil ipinambayad ng utang, atbp.) para sa mga infrastructure projects sa 77 barangay, na nagbigay daan sa massive infra projects (daan, barangay hall, covered court, atbp.) in all barangays
– pagbigay ng salary increase sa mga LGU employees ng naaayon sa batas (P283 minimum wage), at pagreregular sa matagal nang kwalipikadong empleyado
– pagrequest ng halos P1B funds sa Department of Budget and Management under the Local Government Support Fund para sa marami pang nakahanay na infrastructure development projects
– pag-create ng mga bagong departamento tulad ng Public Order and Safety Office (POSO) para sa 24/7 service including emergency service, General Services Office, Public Information Office, Information and Communication Technology Office, atbp.
– pagdeklara ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan (at pagbalangkas ng Bayambang Poverty Reduction Plan) upang sugpuin ang kahirapan sa loob ng 10 taon.

Sa programa, binaggit ni Mayor Quiambao na siya ay nawala sa Pilipinas mula 1965 hanggang 1995 upang magtrabaho sa Indonesia, at kung ano ang kanyang iniwan ay ganoon din ang kanyang dinatnan pabalik matapos ang tatlong dekada, kaya napagtanto niya na kailangang magkaroon ng authority upang maimplementa ang inaasam-asam na pagbabago.

Matatandaang sa pamamagitan ng Kasama Kita sa Barangay Foundation at paglipat niya ng headquarter ng kanyang kumpanyang Stradcom upang sa bayang tinubuan mapunta ang milyun-milyong buwis nito (P150,049,849.24 from 2016 to October 2018), matagal nang tinutulungan ni Dr. Quiambao ang Bayambang kahit wala sa isip nito ang pumasok sa pulitika. Dahil sa pagkainis niya sa korapsyon, aniya, kaya niya pinasok ang magulong mundo ng pulitika taong 2015 at isakripisyo ang kumportableng buhay ng isang retiradong OFW sa Maynila.

Ang mga bisita ay inilibot sa Munisipyo, partikular na sa CCTV Command Center ng POSO, MDRRMO, at Balon Bayamang Events Center, at pati na rin sa Paskuhan sa Bayambang animated Christmas display (the Philippines’ biggest), ang ongoing construction ng St. Vincent Ferrer Prayer Park at sa operations ng CSFirst Green AID sa Kasama Kita sa Barangay Foundation sa Brgy. Amanperez.

“Alam naming marami kaming matututunan sa inyong bayan upang mai-applay din namin sa aming bayan,” pangwakas na mensahe ni Pinamalayan MPDO Toriano. “Salamat sa amazing accommodation ninyo sa amin.”

Arrow
Arrow
Slider