Butong Gulay Ipinamahagi Para sa ERPAT Gardening Project


Nagpamigay ng libreng butong gulay ang Pantawid Pamilya Team ng DSWD sa mga tatay na sumailalim sa ERPAT o Empowerment and Re-Affirmation of Paternal Abilities Training noong nakaraang Nobyembre noong ika-17 ng Enero sa Amancosiling Norte, Inirangan, Beleng, at Bacnono.

Ang iba’t-ibang uri ng butong gulay ay pinondohan ng Municipal Nutrition Action Office para sa kanilang proyekto na ‘ERPAT Garden’ na naglalayong makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangang pangkalusugan ng kanilang pamilya at bilang starter kit para sa backyard gardening project. Ang proyekto ito ay tulong din sa feeding program ng mga daycare doon.

Pinamahagi rin sa naturang aktibidad ang kanilang training certificates bilang pagkilala sa kanilang pagkumpleto ng ERPAT sessions noong Nobyembre 21-23, 2018.

Ayon sa DSWD, may 160 participants sumatotal (40 na tatay kada barangay), na mga 4Ps at non-4Ps member.

Ang ERPAT series ay naisakatuparan dahil sa convergence ng iba’t-ibang sektor: Municipal Social Welfare and Development Office headed by Ms. Lerma Padagas, Daycare Worker I Marvin Bautista, Municipal Nutrition Action Officer Venus Bueno, RHU II nurse Lady Philina Duque, Bayambang Poverty Reduction Action Team headed by Dr. Joel Cayabyab at ang kanyang staff (Valentine Garcia, Francis Lord Salosagcol), MDRRMO, PO3Vina de Leon ng Philippine National Police, civil society organizations na kinabibilangan nina Pastor Ilarde Aggabao ng Bayambang Baptist Church at Pastor Aldrin Perez ng Bayambang Jesus Movement Inc., atbp., at ang mga kapitan at konsehal ng apat na naturang barangay.

Ang ERPAT program ng DSWD ay naglalayon na matulungan at mapag-ibayo ang kakayahan ng mga tatay o ama ng sambahayan na gampanan ang kanilang tungkulin para sa epektibong adbokasiya laban sa Violence Against Women and Children (VAWC), mahubog ang positibong perspektibo sa sarili ng mga tatay, ma-enhance ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pag-aaruga at pagpapalaki ng mga anak, mapaunlad ang kanilang gender sensitivity, mabigyang-halaga ang relasyon sa kanilang asawa, magkaroon ng involvement sa komunidad para sa drug-free na pamilya, at mapaigting ang pang-unawa tungkol HIV-AIDS.

Sa nasabing pagsasanay ay nakapagbuo rin ang apat na barangay clusters ng ERPAT officers para sa pagpapatuloy ng nasabing programa sa kani-kanilang lugar.

Naging facilitators sa ERPAT Community-Based Training ang mga sumusunod na Municipal Link ng DSWD FO1 Pantawid Pamilyang Pilipino Program-Bayambang Municipal Operations Office: Dave Doctolero (overall coordinator), Jenalyn Rivera (Amancosiling Norte), Julie Ann Antolin (Inirangan), Randy Cacayan (Beleng), at Geneva Cho (Bacnono).

Arrow
Arrow
Slider