Electric Mobile Refrigerator, Inaward

Inaward kay Eliza Galsim ng Bongato West ang isang electric mobile refrigerator mula sa LGU Bayambang noong December 27, 2018 sa Kasama Kita sa Barangay Foundation, Inc. headquarters sa Brgy. Amanperez.

Si Galsim ay miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, at dati nang rumoronda sa mga barangay gamit ang traysikel upang magbenta ng karne.

Ang electric mobile refrigerator ay magagamit sa pagtitinda ng karne, ice cream, at iba pang frozen goods sa mga barangay.

Arrow
Arrow
Slider