Ms. BNS Valentine 2019 Coronation Day, Ginanap sa Events Center

Ginanap noong Pebrero 11 sa Events Center ang Coronation Day ng Ms. BNS Valentine 2019. Ito ay isang fund-raising activity ng mga Barangay Nutrition Scholars in cooperation with the Municipal Nutrition Action Office na pinamumunuan ni Ms. Venus Bueno at RHU 1 na pinamumunuan ni Municipal Public Health Officer Dr. Paz F. Vallo.

Itinanghal na Ms. BNS Valentine si Mrs. Merly J. Madronio. Si Ms. Evangeline Mallari naman ang 1st naging runner up, Ms. Conilyn Divino 2nd runner-up, Helen Grace primero3rd runner-up, Julie Ann de Vera 4th runner-up, Ms. Jennalyn Gallardo 5th runner-up, Ms. Winnie Asuncion 6th runner-up, Ms. Wilma Zulueta 7th runner-up, at Ms. Wilma Gallano 8th runner-up.

Nirepresenta ni Local School Board Chairman, Dr. Rolando Gloria, si Mayor Cezar Quiambao bilang panauhing pandangal. Naroon din sina Municipal Councilor Martin Terrado II at mga Punong Barangay na sina Gildo Madronio, Alberto Junio, Onofre Romano, Role de Vera, Roldandino Agabao, Carlos Sta. Teresa, at Gloria Solomon.

Bilang volunteer implementors ng mga nutrition programs ng gobyerno, mapa-national, municipal o barangay level man, ang mga Barangay Nutrition Scholars ang tumatayong Secretariat ng mga Barangay Nutrition Committee. Sila ang mga frontliner ng pamahalaan pagdating sa mga programang pangnutrisyon sa barangay. Tungkulin din nila ang siguruhin kung tama ang nutritional assessment ng mga kabataan mula edad 0 hanggang 71 buwan.

Ayon kay BNS President Josefina Ragos, ang pageant na ito ay isang fund-raising activity para sa kanilang team-building at training.

Play
Arrow
Arrow
Slider