Millennial Farmers, Sali na! | Parami nang Parami ang Kaanib sa MFAB

Sa kanilang 2nd General Assembly sa Aguinaldo Room ng Events Center noong Pebrero 21, kitang-kita na dumarami ang mga miyembro ng Millennial Farmers Association of Bayambang (MFAB), ang grupong itinatag ng Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT) upang humikayat ng mas maraming kabataan upang pasukin ang pagsasaka bilang alternatibong hanapbuhay na kapaki-pakinabang sa lahat.

Ayon sa Focal Person on Agricultural Modernization ng BPRAT na si Angelica Andrea Garcia, mayroon nang mga 100 registered members ang grupo.

Nagkaroon ng election of officers sa pagpupulong, at ang nahalal na pangulo ay si Macario Garcia III ng Brgy. Hermoza.

Ayon kay Bb. Garcia ng BPRAT, isa sa kanilang mga plano ay ang pagtatatag ng isang MFAB demo farm sa Brgy. Hermoza.

Arrow
Arrow
Slider