Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 3

Direktang Serbisyo at Transaksyon Mula Municipio, Dinalang Muli sa Pantol sa Pangatlong Pagkakataon; Planong RHU 5, Ibinalita

“Magkaisa laban sa kahirapan!” Ito ang naging tema ng mensahe nina Mayor Cezar T. Quiambao, Vice-Mayor Raul Sabangan, at mga Municipal Councilor sa ikatlong pagkakataon ng pagsagawa ng Komprehensibong Serbisyo sa Pantol noong Marso 22, 2019.

Ang bagay na ito ay kinatigan ni Pantol Punong Barangay Efren Perez, na lubos ang pasasalamat sa pagdating muli ng Municipio sa kanyang barangay.

Sa programa, idineklara ng KSB Year 3 organizer na si Municipal Health Officer Dr. Paz F. Vallo ang planong pagpapatayo ng Municipio ng isa na namang Rural Health Unit na sa Pantol napiling ilagay dahil sa layo nito. Ito ay tatawaging RHU 5.

May 550 na benepisyaryo ang iniulat ng HRMO na dumating.

Arrow
Arrow
Slider