90-Day Feeding Program para sa Malnourished Children, Inilunsad ng MNAO

Inilunsad ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO) ang isang 90-day Feeding Program para sa mga underweight at severely underweight na kabataan na nasa edad 12 months hanggang 59 months sa 28 barangays noong Marso 19.

Ayon kay Municipal Nutrition Action Officer Venus M. Bueno, sila ay nag-umpisa nang magpamigay ng food packs na may lamang bigas o tinapay, gulay, prutas, asukal, mantika, biskwit o wafer, at itlog. “Nag-iiba ang mga ibinibigay na food items kada linggo, at weekly ang aming delivery for 3 months,” aniya.

“Ang programang ito ay ‘ration type’ at ipinapatupad tuwing first and second quarter of the year,” paliwanag niya.

“The beneficiaries were identified during the Operation Timbang Plus or OPT Plus or mass weighing of all 0-71-month old children in 77 barangays of Bayambang from January to March of 2019. Priority is given to underprivileged children.”

“Aside from the food packs, binigyan din sila ng quality vitamins, and mothers are required to attend ‘Idol Ko si Nanay’ Classes or Mother’s Classes.”

Sa programang ito, “minomonitor ang weight at height ng mga bata kada linggo ng mga Barangay Nutrition Scholars, midwives, at Barangay Health Workers upang ma-verify kung may improvement.”

Dagdag pa ni Bueno, “Supplementary feeding is one of the major nutrition-specific programs of the Philippine Plan of Action in Nutrition (PPAN) 2017-2022 na responsibilidad ng LGU na ipatupad using its funds through the Municipal Nutrition Council, as per Memorandum Circular 2018-42 on the Adoption and Implementation of the PPAN.”

– with Venus Mosuela Bueno

Arrow
Arrow
Slider