Good Parenting Seminar, Ginanap sa Manambong Sur

Isang ‘Seminar on Effective and Proper Parenting’ ang isinagawa ng Rural Health Unit 1 sa Manambong Sur noong Mayo 2 sa pamumuno ni Municipal Health Officer Dr. Paz F. Vallo.

Layunin ng seminar na tulungan ang mga magulang sa lugar na may mga anak na 11 hanggang 19 taong gulang na mga estudyante kung paano nila maiiiwas ang kanilang mga anak sa pag-drop out sa eskwelahan at sa maagang pagbubuntis.

Kabilang sa mga lecture nina Dr. Vallo, kasama sina Jessie Sabangan, Nancy Dulay, at Eurika Fernandez, ang tungkol sa proper parenting, parental roles, parenting styles, child rights and responsibility, at family planning.

Arrow
Arrow
Slider