Larong Pinoy at Health Eating Lecture para sa mga Daycare

Bilang parte ng selebrasyon ng National Children’s Month 2023, nagbigay kasiyahan ang Municipal Nutrition Action Office sa pamamagitan ng “Larong Pinoy” at dagdag kaalaman naman sa pamamagitan ng isang Lecture on Healthy Eating for the “Overweight/Obese Child Development Center Learners sa Pavilion 1 ng Saint Vincent Prayer Park noong ika-14 ng Nobyembre.

Ipinamalas nina Olivia Faith Manalis at Mc Kennan Joy Flores ng Manambong Parte, Ace Vergel Rivera at MJ Zion Flores ng Manambong Sur, at Zephanie Yllisse Pineda ng Telbang ang liksi sa Calamansi Relay.

Nagwagi naman sa paggiling sa Hula Hoop Competition sina Irenea Palaming ng Bical Norte, Jann Cedrick de Vera ng Amaconsiling Norte, at Francel Brae D. Episcope ng Bacnono.

Nagbigay din ang MNAO ng token na fruits at spaghetti sa mga bata, at saka badminton at hula hoop set sa lahat ng barangay na may CDC para ma-maintain ang physical activity ng mga learner.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *