SOMA 2011 Noong ako po ay tumakbo bilang punongbayan ng bayambang noong 2007, wala pong ibang nasa aking puso at kaisipan kundi ang pagnanais na mabigyan ng pagkakataon ng ating mga kababayan, na makapaglingkod, at maisakatuparan ang matagal ko ng mithiin at pangarap na maging maunland ang ating bayan, maiahon sa kahirapan ang ating mamamayan, mabigyan ng pagkakakitaan hindi lamang ang ama kundi pati na rin ina ng bawat tahanan, makitang malusog at walang sakit ang ating mga anak, mabigyan ng sapat na edukasyon ang mga mahihirap at karapatdapat nating mga kabataan, mailayo sa masamang bisyo ang mga nalilihis sa landas, malinis na kapaligiran, maayos na pagpapatakbo n gating pamahalaan, at higit sa lahat, maging progresibo ang ating bayan. Ako naman po ay hindi ninyo binigo sa mga suportang ibinigay ninyo, ito ay sa kabila ng mga kakulangan natin sa panahon ng kampanya, nakita at nadama ko ang lubos na pagmamahal at sakripisyo ninyo at hindi kayo naghintay ng anumang kabayaran. Sa lahat po ng mga tulong ninyo, ako at ang aking pamilya ay lubos na nagpapasalamat at tumatanaw ng malaking utang na loob at hindi ninyo ako binigo sa aking hangarin na tumolong sa ating bayan. Noong una kong termino bilang punongbayan at bagong “tenant” o mangungupahan pansamantala dito sa pamahalaang bayan, ako po ay nagpakilala at nakipagkaibigan muna sa aking mga magiging kasambahay at mga magiging kapitbahay. Halos lahat naman po ay mga dati ng kaibigan at kakilala sapagkat ako ay naging Bise Alkalde na ng bayan noong 1988. Ako po ay humingi ng isang pagpupulong sa ating bise alkalde at sa lahat ng nanalong konsehal ng bayan. Hiningi ko po sa kanila na isangtabi ang aming di pagkakaunawaang political at kami ay magkaisa tungo sa pagtulong na mapaunlad ang ating bayan. Ako po ay hindi nabigo sa aking pakiusap at ako ay kanilang pinagbigyan, sapagkat tulad ko ay iisa ang aming hangarin, at sa kadahilanan na rin na hindi ko maisasakatuparan ang aking magandang layunin kung hindi ako tutulongan ng ating bise alkalde at mga konsehal ng bayan. Ako po ay nakipagpulong din sa ating mga pinuno at mga kawani ng local na pamahalaan at aking hiningi ang kanilang kooperasyon sa aking administrasyon, upon patuloy na maihatid sa ating mga mamamayan ang serbisyong nakalaan sa kanila. At muli ako ay hindi rin nabigo sa aking pakiusap. At dahil sa magandang relasyon at kooperasyon ng lahat, naging matagumpay ang ating mga programa dahil nabigyan natin ng kaukulang attention ang halos lahat ng sector ng gobyerno. AS REPORTED BY THE DIFFERENT DEPARTMENTS : OFFICE OF THE MUNICIPAL TREASURErMrs. Luisita Danan Collections from the different revenue collecting offices ( Assessor, Market, Engineering, LCR, Mayor's Office and Treasurers Office: From January to December 2010 - ang koleksiyon ay P135,063,385.01 mas mataas sa income target na P127,256,431.00. Nag exceed po ng P7,806,954.01. From January to June 2011, ang koleksiyon ay P72,601,363.18 na at tayo ay may income target tayo na P150,604,999.90 para sa calendar year 2011. Anim na buwan pa lang ng taong 2011 ay mayroon ng increase sa collection na P3,695,692.94 Ito po ay napakalaking palatandaan na sa pamamagitan ng isang maayos at mabuting pamamalakad ay naging masigasig at masipag ang ating mga opisyal at mga kawani sa kampanya ng administrasyong ito upang higit pang maisakatuparan ang layuning makakulekta ng sapat na halaga para sa mga proyekto at infrastraktura ng ating local na gobyerno. Sa pagkatataong ito nais ko pong bigyang pugay ang mga taong nasa likod ng maayos na pag iingat ng ating yaman. Palakpakan po natin sila. OFFICE OF THE MUNICIPAL AGRICULTURAL OFFICE Delfin Bravo Tayo po ay namahagi ng: 4,732 bags ng certified seeds at 666 bags ng fertilizer 80 water pumps 194 bags ng binhi ng mais at abono 286,000 fingerlings at 88 feeds Tulong pinansiyal sa mga farmers na apektado ng bagyong Ondoy Pagtatag ng Nursery sa PSU Pagbuo ng 68 farmers association na may 3,400 miyembro at 7 kooperatiba na may 280 miyebro Training para sa mga magsasaka tungkol sa sistema ng irrigation upang higit na mapalaki ang kanilang ani at kita ganon din ang ating onion and vegetable growers OFFICE OF THE MUNICIPAL ENGINEER Engr. Eddie Melecorio Proyektong Infrastraktura Engineering Building Municipal Hall perimeter fence at Landscaping Legislative Building Tulay ng Tanolong at Macayocayo Pagaayos ng drainage system sa CSI,Royal Mall,BNHS, at Zone II Pag aspalto, semento, ng mga farm to market roads (FMR) Deepwell para sa irigasyon Light Post at Quezon Blvd. Sancagulis at Buayaen barangay roads Covered pathways sa BNHS at PSU Plaza Lighting System at renovation ng Municipal Plaza Rural Health building Renovation ng office of the Mayor 13.Repair/Improvement/Construction of Municipal Plaza LGU fund RURAL HEALTH UNIT I AND II Dr. Paz Vallo Ang isang maipagmamalaking nagawa sa ilalim ng ating administrasyon at dahil na rin sa masipag nating RHU Officer, at the tulong financial ni Congresswoman Racheal Arenas at ng iba pang sangay ng ating pamahalaan, ay naipatayo ang dalawang palapag na gusali ng Municipal Health Office. Ito po ay kumpleto ng kagamitang medical. Ang RHU ay patuloy na nagbibigay ng libreng serbisyo sa ating mamamayan , lalong-lalo na po sa ating mahihirap na kababayan. Sa tulong din po ng ating mga Rural Health Workers na umiikot sa ating mga barangay : Tulong Pangkalusugan: “blood donation” activity – 23 bags Deworming para sa 16,043 na mga batang edad 1 hanggang 7 buwan Supplemental Feeding o Karagdagang pagkain sa loob ng 5 buwan para sa 32 Pre School Children sa Barangay Dusoc Nanguna sa mga Medical Missions sa 9 na Barangays sa pagsusuri gamit ang kanilang laboratory equipments ng ihi, blood count, dumi ng tao, blood sugar at acid fast bacilli, Nagbigay ng libreng consultation sa mahigit 13,000 mamamayan ng Bayambang Nagbigay ng Measles Rubella Immunization para sa mga batang edad 9 na buwan hanggan 7 taon sa 77 barangay Operation Timbang ng mahigit 19,000 pre-school children edad kulang isang buwan hanggang 6 na taon Numudmud ng Vitamin A Supplementation ng mahigit 14,000 Pre school children edad 6 na buwan hanggang 5 taon. Nagserbisyo sa mahigit 2,000 LGU indigent household, dagdag nito ang mahigit 2,800 na galing sa pondo n gating Gobernador at 500 naman galing sa pondo ni Congresswoman Arenas Naibalik sa normal ang mahigit 90 kulang sa timbang na mga bata sa Barangay Buenlag 1 st at Dusoc sa pamamagitan ng supplemental feeding Paghahanda ng MHO para magkaroon ng Philhealth accredition ang Ina at Anak, maging sila man ay mahirap, may sariling kita o empleyado ng gobyerno na ma libre sa panganganak sa Center Ang MHO rin ang nanguna sa enrollment ng 121 Paying Philhealth members. MUNICIPAL SOCIAL WELFARE & DEVELOPMENT OFFICE and SENIOR CITIZEN Lerma D. Padagas and Leonido Catabay Tulong pinansiyal para sa mahigit 1,000 kababayan (gamot, hospital bills, patay, pagkain) Supplemental feeding para sa mahigit 1,500 na nakaenrol sa mga 70 Day Care Centers Namigay ng 2,000 Philhealth cards at karagdagang 5,596 Philhealth cards galling the DSWD National agency Cash for Work Program para sa 2,171 nating kababayan ID cards para sa mga may kapansanan at solo parent ID cards para sa mga Senior citizens Namahagi ng Purchase Booklets Quarterly social pension sa mga senior citizen edad 77 o higit pa Ang DSWD ay may proyekto na para sa isang special school for special children (Stimulation and Therapheutic Activity Center 11 (STAC 11). Noong nakaraan taon ay mayroon tayong 44 na children with deficiency. Sila po ay tumatanggap ng physical therephy, Occupational theraphy at Special Education Classes. Nadagdagan po ito ng 13 pang nagenrol ng taong ito. Kung kayo po ay may “special child”, 3 hanggang 14 na taong gulang, huwag po kayong magatubili, lumapit po kayo sa DSWD para kayo matulungan. OFFICE OF THE MUNICIPAL ASSESSOR Annie E. de Leon Ulat ng Property Assessment Conducted ocular inspection preliminary to General Revision of all real property Reclassification (conversion of land from agricultural to residential or from residential to commercial Transfer of Ownership Reassessment Declaration of property as new in the tax declaration. Identify unknown and unlocated property Conducted physical surveys (with or without improvements) OFFICE OF THE MUNICIPAL BUDGET OFFICER Peter B. Caragan First and Second tranche monthly schedule of Local Government Personnel (Salary Adjustment) of all officials and rank and file employees had been fully implemented in accordance with Local Budget Circular No. 95 dated June 29, 2010 issued by the Department of Budget and Management OFFICE OF THE MUNICIPAL CIVIL REGISTRAR Sylvia M. Layacan Maramihang kasalan ( Mass wedding of 198 couples) noong Pebrero 14 sa pagtataguyod ng Local Civil Registrar, Sangguniang Bayan at ang inyong abang lingkod ang nagkasal at naging ninong ng lahat ng mga ikinasal. Dahilan sa malawakang kampanya sa kahalagahan ng mga dokumento, nagkaroon ng maramihan pagdagsa ng mga taong nagnanais na maiayos ang kanilang mga dokumento katulad ng kapanganakan, kasal at iba pang mga papeles. Pagpapatupad ng “computerization”ng mga document sa pamamagitan ng paggamit ng Civil Registry Information System (CRIS) Lahat ng mga birth certificates mula taong 1982- 1983 at taong 2004 hanggang sa kasalukuyan ay computerized na po. SANGGUNIANG BAYAN Vice Mayor Mylvin Junio and Sangguniang Members Ang ating masisipag na mga sangguniang members na pinangungunahan ni Vice- Mayor Junio ay nakapagtala ng mga sumusunod ng accomplishment magmula July 2010-July 2011: Number of approved ordinances - 20 Number of approved resolutions -464 Number of accredited organization /association -7 Number of regular sessions held -40 Number of committee hearing held -26 Number of public hearing held -5 Number of special sessions held -3 Number of approved Financial assistance approved -8 Number of approved barangay annual budget -77 Number of approved barangay supplemental budget -69 Some vital legislative measures Rekomendasyon ng bagong Corporate Seal o selyo o tatak ng bayan ng bayambang ayon sa Memorandum Circular no. 92-30 ng DILG at Republic Act. No. 7160 ng Local Government Code of the Philippines, sa National Historical Commission of the Philippines para mareview. Resolution upang mabigyan ng loan (soft loan) ang Sancagulis Multi-purpose cooperative sa halagang P250,000.00 para sa kanilang rice cracker productivity enhancement projet. Resolution upang bumili ng karagdagan lupa para sa ating Waste Management Program. Resolution para mabigyan ng konting tulong pinansiyal ang ating transport group lalo na ang mga tryciles drivers at owners dahilan sa pagtaas ng gasolina, ito ay isang proyekto ng ating Mahal na Pangulo Benigno C. Aquino. Jr. Resolution para magkaroon na Automated Teller Machine ATM) ang Land Bank ditto the Muncipal Hall Resolution para marevise ang Real Property Assessment Resolution para makahingi ng pondo sa Kagalang galang Secretary of Agriculture RPoceso Alcala para sa fram to market road ng barangay Tococ, San Gabriel 2 nd , Warding, Managos, Ambayat 1 st , at Tampog. Ordinance: Renovation of Municipal cemetery and construct bonery for displaced tombs Ordinance adopting RA7323 helping poor but deserving students pursue college education by encouraging their employment during summer and Christmas Ordinance adopting RA 7610 special Protection of children against child abuse, exploitation and discrimination Ordinance adoption RA 8976 Compulsory Immunization against hepatitis B for infants and children below 8 years old Ordinance compulsory immunization against H1N1 Influenza,a virus for children below 5 years old Traffic Code of Municipality of Bayambang Ordinance providing for the creation of a special committee to determine the founding of the Municipality of Bayambang and providing funds therefor. MUNICIPAL PLANNING AND DEVOLOPMENT COUNCIL Jonathan Corpus Preparation and approval of the Comprehensive Land Use Plan and Zoning Ordinance for the year 2007-2017. Provincial Land Use Committee Members (PLUC) adopted the CLUP Bayambang as model CLUP in Region I The National Solid Waste Management Commission through the DENR Regional Office I adjudged LGU Bayambang as Model Municipality on RA 9003 on Implementation “Ecological Solid Waste Management Program ) Consistent Awardee of the Clean and Green Program. Approved a socialized housing subdivision located barangay Bical SPECIAL PROJECTS/TOURISM MATTERS Hon Raul Sabangan Mrs. Emma Mula Endorsement of SB resolution no. 164 Series of 2011 re. Foundation Day of the Municipality of Bayambang to the National Historical Commission of the Philippines Presidential Proclamation No. 131 dated March 24, 2011, declaring April 5, 2011 as a non-working holiday and every 5 th day of April thereafter. PUBLIC EMPLOYMENT SERVICE OFFICE (PESO)/SCHOLARSHIP GRANTS/ SCHOOL BOARD Gerenerio Rosales 75% to 85% of the employee requirement of our investors are residents of Bayambang as per DOLE policy Employment Assistance: 371 hired for job placements Through the initiative of our very energetic PESO Manager , Mr. Rene Rosales worked for the realization of the following Special Program for Employment of Students was implemented, and 54 poor but deserving students were hired to pursue a college education on a 40-60 sharing between DOLE and the LGU CLEP-TUPAD- 30 employees were hired during the Christmas season of 2009-2010 and another 40 employees for 2010-2011 for a total of 70 employees Have assisted the registration of 22 Farmers Association with DOLE There are now 1,000 job applicants registered with job Philnet Scholarship grants to 38 Binalatongan Community College and 1 scholar in compliance with One Town one Scholar policy of CHED Release of School Board Funds Distribution of 17,000 bags and school supplies to elementary school children LIVELIHOOD PROJECTS Ulat Pangkabuhayan Rice cracker making – Sancagulis Multi Cooperative Corn husk making Goat Raising (Bayambang Integrated Active Got Raisers Asso. BIAGRA) INVESTORS * Royal Mall * Vakrangee * Jollibee * Cindys' * Savemore * CSI * Magic Appliance Center * Phil Gaz Hauz Ito po ang mga naisakatuparan ko humigit kumulang na mga proyekto na dati ay mga pangarap ko lamang. Hinabi ko po sa aking kaisipan na ang mga ito ay hindi mananatiling pangarap lamang. Ito naman po ay aking natupad sa tulong ninyong lahat na nanalig at nananatiling nanalig pa rin sa aking kakayahan bilang pinuno ng bayan ng Bayambang. Sa pagkakataong ito, nais kong hilingin sana ang ating mga pinuno ng mga barangay na ipagpatuloy ninyo ang inyong sigasig, para maiahon sa kahirapan ang ating mga kababayan. Kayo ang nasa unang hanay ng laban na ito. Kayo ang unang nakakaharap ng mga gusto nating tulungan at iahon; kayo ang direkta nilang nakakadaung-palad. Malayo pa po ang eleksyong pambarangay,kaya ang interest ng taong bayan muna sana ang ating unahin. Kapag naramdaman nilang tapat kayo mga naging pangako ninyo at may makabuluhang pagbabago sa inyong nasasakupan, sila na mismo ang magsasabing “IKAW PA RIN ANG NAIS NAMING MAMUNO DAHIL KAPAKANAN NAMIN ANG INUUNA MO”. Kapag hindi ninyo binigo ang pinangakuan ninyong paglilingkuran, hindi rin nila kayo bibiguin sa panahong kailangan rin ninyo ang kanilang suporta. Mga mahal kong kababayan, ang pagtupad pala sa mga pangarap, ay may kasamang sakripisyo. Maraming mga bagay ang dati rati ay nagagawa ko ng malaya. Una na ang aking pamilya. Kung dati ay nagagawa kong makasama ang aking pamilya sa mga araw na wala sila pasok sa paaralan at naipagluluto ko sila ng aming mapagsasaluhan, o kaya ay pupunta kami ng Mall para mamasyal ,ngayon po ay paminsan minsan na lamang. Ipinaliliwanag ko sa kanila na ang buklod namin bilang pamilya ay hindi nasusukat sa dami ng aming pagsasama kundi sa uri at kalidad ng oras na iniuukol ko sa kanila Nalulungkot din po ako na may mga kamag-anak din po at mga kaibigan ako na kung minsan ay hindi ko napagbibigyan sa kanilang mga kahilingan dahilan sa mga nauna kong kompromiso o pangako sa iba, na kung minsan ay naghihimutok at sinasabing bakit nauuna ko pang tinutulongan ang iba samantalang hindi naman nila ako ibinoto nung nakaraang eleksyon. Ang sagot kopo ay, sapagkat ako ay hindi lang mayor ng mga bumoto sa akin, ako ay Mayor ng lahat ng mamamayan ng bayan ng ng Bayambang. Para sa huling dalawang taon ng aking ikalawang termino bilang punong bayan, ay nakahanay nap o ang mga sumusunod ng proyekto: Future Projects Renovation of Municipal Cemetery Construction of Bonery for the displaced tombs Expansion of the cemetery Road construction inside the old cemetery Construction of Public Market Phase III Construction of RHU II at Barangay Wawa Construction of irrigation system Livelihood Project Enhancement of Rope Making, Rice cracker, goat raising Conduct research and study of of developing Mangabol lake as an Eco-tourist destination Encourage our farmers to join farmers associations and be beneficiaries of trainings and seminars to further increase the production of their farm produce Investors BDO branch Socialized housing Magic Group of Companies Nagsimula po sa isang pangarap ang lahat ng nakikita ninyo ngayung pagbabago dito sa ating bayan. Mahigit tatlong taong na ang nakakaraan at halos lahat ng pinangarap ko ay natupad. At ngayon sa pangalawa kong termino, ako ay muling hahabi ng mga pangarap. Sa Pagkakataong ito ay Inaanyayahan ko kayong samahan ako at sabay natin pangarapin, na sa kabila ng maraming balakid na ating sasalungahin, sakripisyo na ating haharapin, sa tulong at mga dasal ninyo sa ating Mahal na Panginoon ay kaya nating abutin ang ating mga pangarap. Pangarap kong darating ang panahon, na mapaglalabanan natin ang kahirapan, mabigyan ng kabuhayan o hanapbuhay hindi lamang ama kundi pati na rin ina ng bawat pamilya, mabigyan ng sapat na edukasyon ang ating mga anak upang maiangat ang antas ng kanilang kabuhayan. Masaya daw ang mga taong nangangarap ng isang pangarap, at handing magsakripisyo, matupad lamang ang pangarap na iyan. Muli nais kong magpasalamat una sa lahat sa Mahal na Panginoon at sa inyo pong lahat sa pagbibigay nyo sa aking ng pagkakatong makapagsilbi sa ating bayan. MARAMING SALAMAT PO.
|
||||||||||||