10 Water Pumps, Ipinamahagi ng NIA

Sampung water pumps na nagkakahalaga ng P270,000 (P27,000 bawat isa) ang ipinamahagi ng National Irrigation Authority (NIA) noong January 25 sa mga farmers association ng sampung barangay, ang Brgy. Amancosiling Norte at Sur, Bical Norte at Sur, Buayaen, Sancagulis, Dusoc, Tanolong, Pangdel, at Tatarac.

Ito ay sa pakikipag-ugnayan ng NIA sa Agriculture Office at BRPAT at sa tulong ni Congresswoman Rachel Arenas.

Ang naturang mga makinarya ay gagamitin bilang preparasyon ng mga apektadong magsasaka sa parating na El Ñino.

Ginanap ang distribusyon sa Arenas Farm sa bayan ng Malasiqui.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *