115 Health Professionals, Dumalo sa C.M.E. Seminar

Nagkaroon ng Continuing Medical Education (CME) Seminar sa Elizabeth Hall ng The Monarch Hotel, Calasiao, noong Enero 17, 2023 bilang parte ng Grand Medical Mission 2024.

Naging participants sa two-session lecture event na ito ang mga staff ng RHUs, BDH, MDRRMO at JKQ Hospital. Ang CME ay naglalayong mas mapalawig ng mga health professional ang kanilang mga kaalaman sa aspetong pangkalusugan. Kasama sa mga dumalo ang mga volunteer ng Philippine Medical Society of Northern California.

Tinalakay nina Dr. Kevin Miller at Dr. Renato Flores ang mga health issue patungkol sa Diabetic Foot Care at Obstetric Hemorrhage. Naging masinsinan ang talakayan at naging kawili-wili ang huling parte ng mga lecture dahil sa maikling ala-quiz-bee sa Q&A portion.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *