Ngayong araw, June 11, 2024, pinangunahan ng Philippine Statistics Authority (PSA), katuwang ang Municipal Planning and Development Office, ang isang pagsusulit para sa 120 na aplikante ng PSA enumerators mula sa bayan ng Bayambang para maging parte ng PSA 2024 Census of Population (POP-CEN).
Ang naturang pagsusulit ay ginanap sa Annex Building ng Bayambang Polytechnic College. (ni Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan: MPDO)