15 Bayambangueños, Biniyayaan ng mga Sewing Machine ng DOLE

Nagtungo noong  Enero 23, 2024, ang Department of Labor and Employment Office (DOLE) Region I sa Bayambang para sa awarding ng 15 sewing machines sa tulong ng PESO-Bayambang.

Ang awarding ceremony ay ginanap sa Balon Bayambang Events Center at dinaluhan nina Vice Mayor IC Sabangan, DOLE Assistant Regional Director Honorina D. Baga, at head ng CPFO Agnes B. Aguinaldo. Nauna nang dumating ang mga makina noong Enero 22 at tinanggap ng PESO kasama si Mayor Niña Jose-Quiambao.

Ayon kay SLEO Gernalyn Santos, ang naturang mga sewing machine ay ipinamigay sa napili ng DOLE na mga benepisyaryo na taga-Brgy. Hermoza, Tanolong, at Sanlibo. Sila ay nagsipagtapos noong nakaraang taon sa Basic Sewing Skills Training ng provincial government. (ni Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan ni JMB)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *