1,712 Bayambangueño, Naging Benepisyaryo ng BAIPHIL-SM Foundation-RHU/LGU Medical Mission

May 1,712 na Bayambangueño ang naging benepisyaryo sa isang medical, dental, at surgical mission na muling inihatid ng Bankers Institute of the Philippines (BAIPHIL) at SM Foundation, sa pakikipagtulungan sa Rural Health Units ng LGU noong June 22 sa Balon Bayambang Events Center.

Narito ang bilang ng mga naging pasyente kada serbisyo, ayon sa ulat ni Municipal Health Officer, Dr. Paz F. Vallo:

Ultrasound: 22

Circumcision: 91

Dental extraction: 389

X-ray: 43

ECG: 38

Reading glasses: 520

Medical check-up: 512

Laboratory tests: 237

Dermatology consult with medicines: 37

Kabilang sa mga naging volunteer ang mga dentista ng Brillante Dental Clinic sa Marikina, isang klinikang pagmamay-ari nina Dr. Ivan at Ann Brillante. Si Dr. Ivan ay apo ni Col. Vicente Brillante at anak ng isang retired Air Force officer at Dr. Nelia Ramos.

Sa kabuuan, ang mga libreng serbisyo ay nagkakahalaga ng P2,952,850.

Ang LGU-Bayambang ay taos-pusong nagpapasalamat sa BAIPHIL at SM Foundation sa taun-taon na pagsasagawa ng medical mission, sa pangunguna ni Dr. Agnes Brillante. (RSO; BPC)

#BAIPHIL #SMFoundation #MedicalMission2024