LGU at PSU, Tinalakay ang Planong MPAMBA Scholarship Offer

LGU at PSU, Tinalakay ang Planong MPA/MBA Scholarship Offer

Nagtungo ang LGU sa head office ng Pangasinan State University sa Lingayen noong Hulyo 24 upang talakayin ang plano ng LGU na magbigay ng scholarship para sa mga empleyadong nais kumuha ng Masters in Public Administration at Masters in Business Administration.

Nanguna sina Sangguniang Bayan (SB) Majority Floor Leader, Councilor Benjamin Francisco de Vera, Sangguniang Kabataan Federation President Gabriel Tristan Fernandez, at Bayambang Poverty Reduction Action Team Chairperson, Dr. Joel Cayabyab, sa pakikipag-usap kina PSU President Dr. Dexter R. Buted at PSU School of Advanced Studies Dr. Adonis S. Bautista.

Noong Hulyo 16, nauna nang ipinasa ng SB ang Resolution No. 255, s. 2019 kung saan inootorisa ng SB si Mayor Cezar T. Quiambao na pumasok sa isang Memorandum of Agreement sa PSU para sa pagtatatag ng isang Graduate Studies Program sa PSU Bayambang para sa mga LGU employees.

Layunin ng resolusyong inihain ni Coun. De Vera, at Coun. Mylvin Junio na tulungang maitaas ang antas ng mga empleyado ng munisipyo upang maging mas epektibo sa pagbigay ng serbisyo publiko.

Ayon sa BPRAT, ang programa ay bukas din para sa mga aplikante mula sa ibang ahensya ng gobyerno at mula sa mga katabing LGU.

Arrow
Arrow
Slider