Muslim Vendors Assoc., Bubuo ng Kooperatiba

Muslim Vendors Assoc., Bubuo ng Kooperatiba

Noong Hulyo 23 sa Public Market, pinulong ng Municipal Cooperative Development Office sa pamumuno ni Mercedes Peralta ang 29 na negosyanteng Muslim sa Public Market upang tulungan silang bumuo ng sarili nilang kooperatiba.

Naniniwala ang grupo na sa pagbuo ng kooperatiba ay maiiwasan nilang mangutang sa mga lending firms para sa maliit na puhunan at mas unti-unti nilang mapapalago ang kanilang negosyo.

“Ang kooperatiba ay isang solusyon sa pag-angat namin sa buhay,” pahayag ng isa sa mga miyembro ng asosasyon.

Arrow
Arrow
Slider