Buwan ng Wika Opening Program

Seminar-Workshop: Reoryentasyon sa Pagtuturo ng Filipino

“Ang wika ay susi ng puso at diwa, tulayan ng tao’t ugnayan ng bansa.”

Tinagurian ang mga guro na pangunahing tagapaghatid ng kultura ng isang henerasyon tungo sa mga sumusunod na henerasyon. Samakatwid, malaking hamon sa kanila, lalo na sa mga nagtuturo ng asignaturang Filipino, na maipasa nang tama ang mga dapat malaman ng bawat batang Pilipino tungkol sa kaniyang sariling pagkakakilanlan.

Kaya naman napagdesisyunan na magkaroon ng tatlong araw na reoryentasyon sa pagtuturo ng Filipino ang mga guro sa sekondarya at elementarya sa iba’t ibang paaralan sa Bayambang. Ang seminar-workshop ay ginanap noong Agosto 2-24, 2019 sa CSFirstGreen, Brgy. Amanperez sa tulong ng LGU-Bayambang, bilang pagsuporta nito sa pagdiriwang sa buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wika.

Nagbigay si Municipal Supervising Tourism Operations Officer, G. Rafael L. Saygo, ng bating pagtanggap sa mga gurong dumalo. Sa buong tatlong araw, naroon ang iba’t-ibang mga mahuhusay na tagapagpanayam sa larangan ng wikang Filipino. Sina Gng. Mary Ann C. Macaranas, ang direktor ng “Sentro sa Wika at Kultura sa Pangasinan,” ang tumalakay sa “Ortograpiyang Pangasinan”; G. Erick B. Ancheta sa “Ortograpiyang Pambansa”; at si G. Jeferson A. Austria sa “Pagtuturo ng Wika at Gramatika.”

Sa ikalawang araw, Sina G. Archimedes Riemann M. Cayabyab ang tumalakay sa “Mga Etratehiya sa Pagtuturo ng Fiipino,” at G. Jaynard J. Hernandez sa “Pagdidisenyo ng Malikhaing Depiksyon Bilang Materyal sa Pagtuturo.”

Sa ikatlong araw naman, tinalakay ni Dr. Ryan C. Atezora ang Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino. Bago natapos ang programa ay nagkaroon din ng “Anlongan” sa pagitan ng mga guro, isang patimpalak sa pagsulat ng tulang Pangasinan.

Arrow
Arrow
Slider