DOH 4 ’o Clock Habit Kontra Dengue

DOH 4 ’o Clock Habit Kontra Dengue sa Brgy. Buayaen

Noong Agosto 6 ay isinagawa ang Department of Health (DOH) 4 ’o Clock Habit Kontra Dengue sa Brgy. Buayaen. Ito na rin ay para isabay sa deklarasyon kamakailan ng national dengue epidemic ng DOH.

Bago pa man ito ginanap ay nagkaroon na ng clean-up drive sa nasabing barangay na sinimulan noong Hulyo 10 hanggang 20 at fogging na ginaganap tuwing Biyernes.

Ang Barangay Buayaen ang mayroong pinakamataas na naitalang suspected dengue cases sa buong bayan. Kaya naman napagdesisyunan ng LGU na gumawa na ng hakbang ukol dito.

Pinangunahan ito nina Municipal Health Officer Dr. Paz Vallo, at RHU 2 head Dr. Adrienne Estrada. Naroon din si DOH Development Management Officer Joanne A. Villanueva at ang mga miyembro ng Bureau of Fire Protection upang umantabay. Kasama ang mga barangay tanod at residente ay tulung-tulong silang naglinis at pinuksa ang mga posibleng pinamumugaran ng species ng lamok (Aedes sp.) na nagdadala ng dengue virus.

 

Arrow
Arrow
Slider