Komprehensibo sa Buenlag 1st

Buenlag 1st, Ikaw Naman ang Bida!

Noong ika-23 ng Agosto, dinala sa Buenlag Elementary School sa Brgy. Buenlag 1st Komprehensibong Serbisyo sa Bayan (KSB)-Year 3 upang pagsilbihan ang mga barangay sa District 8: Buenlag 1st, Buenlag 2nd, Tamaro, at Mangayao.

Kabilang sa mga dumating na opisyal ay sina Municipal Councilor Martin Terrado II, Consultant on Good Governance Dr. Nicolas Miguel, General Manager ng Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. Romyl Junio, at ang overall coordinator ng KSB, Municipal Health Officer Dr. Paz Vallo. Naroon din sina Municipal Treasurer Luisita Danan at Municipal Assessor Annie de Leon, kasama ang mga kawani ng munisipyo sa lahat ng departamento upang magbigay ng serbisyong medical-dental at lahat ng iba pang pangunahing serbisyo at transaksyon sa Munisipyo.

Pinangunahan ni Buenlag 1st Punong Barangay Rufo Junio at Punong Barangay ng Mangayao Romeo Junio ang pagwelcome sa mga taga-Munisipyo, kasama si Buenlag Elementary School Principal Annie P. Agustin.

Ayon sa Human Resource Management Office, may 755 na benepisyaryo ang naitala sa kabanatang ito ng KSB.

 

Arrow
Arrow
Slider