SGLG 2019 National Evaluation

National SGLG Validators, Dumating sa Bayambang

Bumisita sa Bayambang ang mga validator mula sa Department of Interior and Local Government noong ika-6 ng Agosto upang isagawa ang national validation para sa paggawad ng Seal of Good Local Governance (SGLG). Ang SGLG ang isa sa pinaka-prestihiyosong parangal na maaaring matanggap ng gobyerno na isang marka ng mabuting pamamahala nito.

Sa Balon Bayambang Events Center kinausap nina Region IX Local Government Operations Officer (LGOO) VI Junefer Paquibot at LGOO II John Mark Ruiz ang mga department head ng iba’t ibang opisina ng LGU Bayambang ukol sa pitong aspeto ng lokal na pamamahala kabilang ang Financial administration, Disaster preparedness, Social protection, Peace and order, Business friendliness and competitiveness, Environmental protection, at Tourism, culture, and the arts. Naroon rin sina Mayor Cezar T. Quiambao, Vice Mayor Raul R. Sabangan, at mga myembro ng Sangguniang Bayan upang ipakita ang kanilang suporta at kagustuhan na masungkit ang SGLG sa ikaapat na pagkakataon para sa bayan ng Bayambang.

Kinumpara ni Paquibot ang Bayambang sa mga Highly Urbanized City. Ayon sa kanya, dapat na mapanatili ng LGU Bayambang ang nasimulan na nitong mabuting pamamahala.

“This is for Bayambang,” sambit naman ni Municipal Administrator Atty. Raymundo B. Bautista Jr. Paliwanag ni Atty. Bautista, lahat ng ginagawa ng LGU ay para sa ikauunlad ng pamumuhay ng mga Bayambangueño. Dagdag pa niya, ang SGLG ay maaaring sabihing Seal of Great Leadership in Government para kay Mayor Quiambao dahil sa kanyang pagpapakita ng tapat at mabuting pamamahala na siyang nagbibigay daan sa pag-angat ng bayan ng Bayambang.

Arrow
Arrow
Slider