Executive Legislative Agenda Workshop

MCTQ, Iba pang Opisyal, Sumabak sa ELA 2020-2022 Preparatory Workshop

“Ano ang ating gustong maging bilang isang bayan? Paano natin ito mararating?”

Ang mga katanungang ito ay inumpisahang sagutin ng lahat ng opisyal ng Bayambang sa isang Executive-Legislative Agenda Preparatory Seminar-Workshop noong Agosto 30-31, 2019 sa Royal Mall. Layunin ng seminar-workshop na mailatag ang bagong ELA ng LGU Bayambang para sa taong 2020 hanggang 2022.

Ang event na ito ay inorganisa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pamumuno ni Municipal Local Government Operations Officer Royolita Rosario sa tulong ng Municipal Planning and Development Office sa pamumuno ni Ma-lene S. Torio. Naging lecturer sa seminar si Bugallon Municipal Local Government Operations Officer Gina C. Eslera ng Local Government Academy.

Ang bagong ELA para mga taong 2020-2022 ay isang requirement ng DILG para sa mga newly elected officials ng bayan. Sa pamamagitan ng ELA, bubuuin ng lokal na pamahalaan ang bagong plano at lineup ng mga proyekto para sa bayan ng Bayambang sa mga taong nabanggit.

 

Arrow
Arrow
Slider