Garage Sale

Garage Sale for a Cause

“Someone’s trash could be someone else’s treasure.”

Ang kasabihang ito ay binigyang buhay sa Garage Sale na inorganisa ng Bayambang Poverty Reduction Action Team noong Setyembre 5 sa Balon Bayambang Events Center.

Ang mga items na naka-sale ay maituturing na mga ‘white elephants.’ Ang mga bagay na ito ay di na nagagamit at maaaring nag-iipon lang alikabok, nakakasikip sa daanan, at nakakabunggo sa paa kung masagi. Kaya’t sa halip na itago lamang o tuluyang itapon, ang mga ito ay naibenta sapagkat ang mga ito ay kapakipakinabang sa iba.

Kabilang sa mga items on sale ay mga damit, jacket, T-shirts, polo shirt, stuffed toy, jeans, shorts, sapatos, sandal, bag, pabango, at beauty products.

Bakas ang diwa ng bolunterismo sa simpleng event, sapagkat ang mga ibinentang “pre-loved” items ay pawang donasyon mula sa mga empleyadong may ginintuang puso at nais makatulong.

Kabilang sa mga nagdonate sina Mayor Cezar T. Quiambao at First Lady Niña Jose-Quiambao.

Ayon kay Valentine Garcia, focal person on Social Protection and Development ng BPRAT, ang lahat ng nalikom sa Garage Sale ay magsisilbing starter kit ng ilang asosasyon para sa kanilang napiling kabuhayan.

Arrow
Arrow
Slider