3rd LGU Inter-Color Sportsfest Opens

MDO Rosales at Staff, LGU, Humakot ng Parangal Mula OWWA-RWO1

Humakot ng parangal mula Overseas Workers Welfare Association-Regional Welfare Office 1 sina Migrant Desk Officer Gerenerio Q. Rosales at staff nitong si Dennis Flores at pati na rin ang LGU Bayambang sa awarding ceremony ng 2nd Migrant Desk Officers Congress na ginanap noong Setyembre 12, 2019 sa Elizabeth Hotel, Baguio City.

Bukod sa certificate of recognition kay Rosales at Flores ay nakatanggap din si Rosales ng plake bilang Special Awardee on Support to OFW Reintegration Assistance Services, Special Awardee on Support to OFW Education and Training Services. Ang LGU Bayambang naman ay ginawaran ng plake para sa Special Award on OFW Community Organizing at Special Award on OFW One-Stop Shop Service.

Ilan lamang ito sa mga awards na natanggap ng team mula pa noong mga nakaraang taon.

Arrow
Arrow
Slider