LGU-Gloria Benchmarking

Mayor at Iba pang Opisyal ng LGU-Gloria, Oriental Mindoro, Bumisita

Sinalubong ng mga opisyal ng Bayambang ang mga bisita mula munisipalidad ng Gloria, probinsya ng Oriental Mindoro, na nag-benchmarking dito ukol sa mga programa at proyekto ng administrasyong Quiambao-Sabangan.

Ang Gloria ay isang third-class municipality na nabuo noong 1964 na ipinangalan sa anak ng dating Pangulong Diosdado Macapagal, ang dati rin na Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang mga panauhin ay malugod na binati nina Mayor Cezar T. Quiambao, Vice Mayor Raul R. Sabangan, mga myembro ng Sangguniang Bayan, Liga ng mga Barangay President Rodelito Bautista, Municipal Administrator Atty. Raymundo B. Bautista Jr., Supervising Tourism Operations Officer Rafael L. Saygo, at mga staff ng lokal na pamahalaan sa umaga ng ika-12 ng Septyembre sa Balon Bayambang Events Center. Sa programa ay ibinahagi sa mga bisita ang mga best practices ng bayan, ang tungkol sa Bayambang Poverty Reduction Plan 2018-2028, at ang ipinagmamalaking bamboo plantation project na inaasahang magbibigay ng kabuhayan sa mga mamamayan habang tumutulong mapaigting ang kanilang kaligtasan sa panahon ng sakuna.

Pinasalamatan ni LGU-Gloria Mayor German D. Rodegerio ang mga naroon sa programa at si Dr. Rico J. Cabangon mula sa Department of Science and Technology-Forest Products Research and Development Institute dahil sa kanyang pagmungkahi sa bayan ng Bayambang para sa kanilang benchmarking activity. Nagpasalamat din si Mayor Rodegerio sa isang Bayambangueño at dating dean ng Pangasinan State University na si Dean Trinidad Montero na siya aniyang nagbigay ng oportunidad na makapag-aral noong kanyang kabataan.

“Hindi kami nagkamali na magpunta dito sa inyong bayan para marami kaming matutunan,” ani Mayor Rodegerio.

Matapos ang maiksing programa ay binisita ng grupo ang tallest supported bamboo sculpture sa Saint Vincent Ferrer Prayer Park sa Brgy. Bani at ang pagawaan ng mga produktong gawa sa kawayan sa factory ng CSFirst Green AID Inc. sa Brgy. Amanperez.

 

Arrow
Arrow
Slider