Orientation on Public-Private Partnership Projects, Inorganisa ng BAC

Orientation on Public-Private Partnership Projects, Inorganisa ng BAC

Noong October 29 at 30 ay nag-organisa ang Bids and Awards Committee sa pamumuno ni Stephanie Caragan ng isang Orientation on Public-Private Partnership Projects — o P4 — sa tulong ng mga opisyal ng Public-Private Partnership Center mula sa Manila sa pangunguna ni Director Ferocia Francesca Concordia.

Doon ay tinalakay ang mga PPP concepts and processes sa mga dumalo kabilang sina Board Member Vici Ventanilla, SB Members sa pangunguna ni Vice-Mayor Raul Sabangan, Municipal Administrator Raymundo Bautista Jr., LGU department heads at private sector representatives.

Winelcome ni Vice-Mayor ang lahat, at sa kanyang panimulang mensahe, nasabi niyang, “Big deal ang PPP para sa Bayambang. Alam nating lahat na di na ito iba sa atin dahil ang ating mayor ang itinuturing na ‘father of PPP’ sa Pilipinas matapos nitong dalhin ang Skyway project sa bansa.”

Sabi naman ni Atty. Bautista, bilang kinatawan ni Mayor Cezar T. Quiambao, “Our government can only do so much [in its quest to bolster progress and development] due to limited budget and lack of expertise. [We certainly need the help of the private sector] in finding ways and means to shore up revenues while delivering the best services to our people.”

“We thank Mayor Quiambao for giving us this seminar on the ins and out of PPPs,” pahayag naman ni Caragan.

Arrow
Arrow
Slider