ZumBayambang 2019 Halloween Party

Isang gabi ng katatakutan at sayawan ang inihandog ng Kasama Kita sa Barangay Foundation, Inc. (KKSBFI) at ang Municipal Tourism and Cultural Affairs Office (MTCAO) sa Zumba De Bayambang Halloween Party na ginanap sa Municipal Plaza noong ika-30 ng Oktubre 2019. Dinaluhan ito ng mga Bayambangueño na nagsayaw sa pangunguna ni ZIN Rizza Mae Masiglat suot ang kanilang katakut-takot na mga costume na nagpanalo sa kanila ng malalaking mga pa-premyo.

Sabi ni KKSBFI Managing Director Romyl Junio, “Sana po tuluy-tuloy po ang inyong partisipasyon at pagsuporta sa mga ganitong uri ng programa upang lalo po nating buhayin at bigyang kulay ang kulturang Pilipino, kulturang Bayambangueño, ang sariling atin.”

Sa kanya namang mensahe na inihatid sa isang live video na naging posible sa tulong ng Converge, inanunsyo ni Vice Mayor Raul R. Sabangan na magkakaroon na ng libreng wifi sa Municipal Plaza dahil sa internet provider na Converge. Dagdag pa niya, ang administrasyong Quiambao-Sabangan ay patuloy na nagtutulung-tulong at nag-iisip ng mga paraan para mas mapaganda at mas mapasaya ang bayan ng Bayambang.

(Photos courtesy of ZumBayambang/Rizza Masiglat)

Arrow
Arrow
Slider