Bayambang, Finalist sa Digital Governance Award

Bayambang, Finalist sa Digital Governance Award

Naging finalist ang Bayambang sa Best in eGov Data Driven Category sa ginanap na Digital Governance Awards Local Government Units’ Best Practices in Information and Communications Technology (ICT) na inorganisa ng Department of ICT, National ICT Confederation of the Philippines, at Department of the Interior and Local Governance. Tinanggap ni ICT-OIC Carmela Atienza-Santillan at Deputy Head Jezreel John Junio ang parangal noong ika-26 ng Nobyembre sa Philippine International Convention Center, PICC Complex, Manila, kung saan nagtipon ang mga representante mula sa iba’t ibang munisipalidad, siyudad, at probinsya mula sa buong bansa para sa seremonya.

Ang Community Service Card, na siyang isa sa mga proyekto ng administrasyong Quiambao-Sabangan na naglalayong mabigyan ng prayoridad ang mga Bayambangueño sa pagbibigay ng serbisyong publiko, ang naging entry ng ICT Office para sa parangal na ito.

 

Arrow
Arrow
Slider