Bayanihan 2.0

BAYANIHAN 2.0 | 18 Pantawid Pamilya Beneficiaries, Tumanggap ng Dagdag na Tulong sa LGU

Labing-walong beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng DSWD ang nakatanggap ng karagdagang tulong pinansiyal mula sa LGU-Bayambang para pambili ng materyales at pagpapaayos ng kanilang kasalukuyang tirahan.
scc
Ito ay bilang pagtugon sa napag-usapan at napagkasunduan sa buwanang Municipal Advisory Committee Meeting noong July 2, 2019 at sa resulta ng isinagawang household assessment ng mga DSWD-RO1 Municipal Links.

Ito rin ay isang hakbang upang maibalik ang diwa ng bayanihan, na kung saan ang tao sa komunidad ay handa at kusang tumutulong sa pagsasaayos ng tirahan ng kanilang kabarangay.

Sa maigting na pagtutulungan at pagkakaisa ng Pantawid Pamilya staff at sa mga katapat na serbisyo ng LGU ay unti-unting natutugunan ang pangunahing pangangailangan ng bawat pamilya tulad ng pagkakaroon na maayos na kondisyon ng tirahan at sa patuloy na adbokasiya na labanan ang kahirapan sa bayan ng Bayambang.

 

Arrow
Arrow
Slider