Idol Ko si Nanay Assoc. Receive Seed Capital

 

Idol Ko si Nanay Assoc. Members, Tumanggap ng Seed Capital

Nagdistribute ng seed capital (raw ingredients) ang Nutrition Section kasama ang Bayambang Poverty Reduction Action Team sa mga 25 na miyembro ng Idol Ko si Nanay Association of Bayambang na siyang naging benepisyaryo ng Livelihood Project sa ilalim ng First 1000 Days Program ng National Nutrition Council.

Layunin ng proyektong ito na bigyan ng puhunan ang mga napiling benepisyaryo upang matulungan silang kumita para sa kanilang pang-araw-araw na pagkain at gastusin. Ang seed capital na ito ay mga fresh ingredients gaya ng bangus, asin, bawang, paminta, at iba pang gamit upang makagawa ng daing na bangus.

Sila ay binigyan ng tig-13 kg ng bangus na kanilang nakatakdang ibenta sa loob ng 3-5 araw. Sila ay sumang-ayong ibalik ang capital fund na nagastos sa mga ingredients upang maging revolving fund na mapapakinabangan din ng susunod na batch ng benepisyaryo.

Ang unang batch na ito na tumanggap ng naturang biyaya ay binubuo ng mga karaniwang nanay na ibig ring kumita para sa kanilang pamilya. Karamihan sa kanila ay may mga anak na 0-23 months old, buntis, at kasapi ng Listahanan o National Household Targeting System for Poverty Reduction at Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Ang proyekto ay imomonitor ng District Nutrition Program Coordinators (DNPCs) at BPRAT.

 

Arrow
Arrow
Slider