Assessor’s Tax Info Campaign in Poblacion

Assessor’s Office, Naglibot sa Poblacion Area para sa Tax Info Campaign

Patuloy ang pagpupunyagi ng Assessor’s Office upang ipaalam sa mga taga-Bayambang ang kahalagahan ng pagbabayad ng buwis, partikular na ng amilyar.

Kanilang ipinaliwanag na ang pagbabayad ng buwis ay hindi isang pasanin o pahirap kundi isang tungkulin ng lahat ng Pilipino at ambag sa sariling pamayanan na naayon sa Republic Act 7160 o Local Government Code of the Philippines.

Nitong linggo, ang mga staff sa ilalim ni Municipal Assessor Annie de Leon ay naglibot sa Zone I, Zone II, Zone IV, Zone V at Poblacion Sur sa pakikipagtulungan ng mga barangay officials sa mga naturang lugar.

 

Arrow
Arrow
Slider