Lawin, Tinurn-Over sa DENR

Lawin, Tinurn-Over sa DENR

Noong February 5 ay tinurn-over ng Municipal Administrator’s Office at Legal Office kasama si Municipal Veterinarian Dr. Joselito P. Rosario, DVM, ang isang batang lawin o brahminy kite (Haliastur indus) kay Camilo C. Cariño, Forester ng Department of the Environment and Natural Resources (DENR)-Dagupan City.

Nauna nang isinangguni ang nasabing isyu ni Stanley Dumlao, isang residente sa Brgy. Malimpec, kay Paralegal Officer Germaine Lee Orcino noong February 4 sa Munisipyo. Ito ay matapos bumagsak ang nanghihinang ibon na may tag at tali sa paa sa kanyang bakuran.

Pinapaalala sa publiko na labag sa batas ang manghuli o mag-alaga ng wildlife o buhay-ilang ayon sa Republic Act 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001.

Arrow
Arrow
Slider