Road Clearing sa mga Barangay

Road Clearing Operations, Ipagpapatuloy sa mga Barangay

Noong Enero 31, sa pag-oorganisa ng DILG, ay nagsanib-pwersa ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at concerned LGU departments upang ipaalam sa mga barangay ang patuloy na road clearing operations, ayon sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Memorandum Circular 2019-121 na inilabas noong Hulyo 29 ng nakaraang taon.

Ang grupo na kinabibilangan ng DILG, PNP, Engineering Office, POSO, at CSO/NGO representatives ay nakipag-coordinate sa mga opisyales ng Brgy. Balaybuaya, Batangcaoa, Beleng, Langiran, Macayocayo, Malimpec, Tococ East, at Tococ West sa District VI upang ipaalam doon kung ang mga nakahambalang na istraktura sa kanilang mga kalsada ay ilegal at kailangan nang baklasin.

Namuno sa information campaign at pagsusukat ng mga istraktura sa kalsada si MLGOO Royolita P. Rosario, kasama sina PMSg Librado Velasco ng PNP, at bilang representante ng CSO/NGO, ang current President ng Rotary Club of Bayambang at Municipal Association of Non-Government Organization na si Vilma Q. Dalope at Vice-President Marlon Banaag.

 

Arrow
Arrow
Slider