2020 MADAC Symposium

MADAC Symposium, Ginanap Muli

Nag-organisa ang Department of the Interior and Local Government ng isa na namang Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) Symposium para sa mga drug reformists sa pamumuno ni MLGOO Royolita P. Rosario sa Balon Bayambang Events Center noong March 4.

Ito ay dinaluhan ni Mayor Cezar Quiambao bilang MADAC Chairman ng LGU, OIC Chief Marceliano Desamito Jr. bilang Vice-Chairman, at Municipal Administrator Atty. Raymundo Bautista Jr.

Adhikain ng symposium na ma-sustain ang drug-free status ng Bayambang, at tuluy-tuloy na suportahan ang War on Drugs ng pamahalaan.

Mungkahi ni Mayor CTQ na magkakaroon ang mga reformists ng isang kooperatiba upang makatulong sa kanilang pagsisimula ng pagbabagong buhay sa patnubay ni Municipal Cooperative Development Officer Mercedes Peralta.

Parte ng symposium ang isang mandatory drug testing sa tulong ng Lingayen, Pangasinan Crime Laboratory sa ilalim ni PLtCol Lady Ellen Maranion at ng RHU 1 sa ilalim ni Municipal Health Officer Dra. Paz Vallo.

Naroon din ang lahat ng mga Punong Barangay bilang kanilang pagpapapahayag ng suporta.

Sa anti-drug symposium ay muli na namang nabigyang pag-asa ang mga nalihis ng landas upang ipagpatuloy ang nasimulang pagpapanibagong-buhay.

Arrow
Arrow
Slider