MOA Signing for DSWD SLP

LGU Bayambang, Nakipag-MOA Signing para sa DSWD Sustainable Livelihood Program

Noong March 4, lumagda sa isang Memorandum of Agreement ang LGU-Bayambang para sa implementasyon ngayong taon ng programa ng DSWD na Sustainable Livelihood Program. Nanguna si Mayor Cezar Quiambao kasama sina Municipal Administrator, Atty. Raymundo Bautista Jr., MSWDO OIC Kimberly Basco
at si DSWD SLP Provincial Coordinator for Pangasinan District I Evelyn Rimando at Project Development Officer Arlene Sison sa pirmahan sa Municipal Conference Room para sa allotment ng P3.8M budget para sa mga livelihood project na mismong mga benepisyaryo ang pipili.

Ngayong taon ay nakatakdang makuha ang pondo ng LGU sa buwan ng Hunyo at maimplementa ang mga proyekto mula Agosto hanggang Setyembre sa target na 10 barangays.

Arrow
Arrow
Slider