Cash Assistance para sa mga Naapektuhan ng ASF

Cash Assistance Mula DA-Region I, Pinamahagi na sa mga ASF-Affected Barangays

Nabigyan ng ayuda ang mga apektadong mamamayan ng apat na barangay ng Bayambang na higit na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF), kabilang na ang Brgy. Apalen, Tatarac, Inirangan, at Carungay noong March 12. Umabot sa 255 na mamamayan ang nakatanggap ng tseke mula sa DA-Region I.

Sila ay nabigyan ng P5,000 para sa bawat piraso ng alagang baboy na naapektuhan ng culling operations, ngunit 20 piraso lamang ng na-cull na baboy ang maximum na makakatanggap ng karampatang ayuda sa bawat may-ari ng baboy.

Samakatuwid, P100,000 na ang pinakamalaking halaga na natanggap ng ilan sa mga apektadong mamamayan.

Ang pagtitipon ay pinangunahan nina Municipal Administrator, Atty. Raymundo Bautista Jr.; Department of Agriculture Region I Regulatory Division Chief, Dr. Florentino Adame; Liga ng mga Barangay President Rodelito F. Bautista; Municipal Agricultural Technologist at Veterinarian, Dr. Joselito Rosario; at Paralegal Officer at ASF Incident Commander Germaine Lee Orcino.

 

Arrow
Arrow
Slider