Tricycle Task Force, Binuo

Tricycle Task Force, Binuo

Noong March 11, nagpulong sa Municipal Conference Room ang isang bagong-buong Task Force upang pag-aralan ang implementasyon ng ‘No Tricycle’ policy ng gobyerno sa mga national road upang mabawasan ang insidente ng mga sakuna dulot ng slow-moving vehicles sa mga highway.

Ang Bayambang ay may tatlong national roads: ang Bayambang to Malasiqui Rd., Bayambang to Basista Road, at Bayambang to Camiling Road.

Ang Task Force ay binubuo nina Mayor Cezar Quiambao na nirepresenta ni Municipal Administrator Atty. Raymundo Bautista Jr., Councilor Martin Terrado II bilang SB Chairman on Public Transportation, Liga ng mga Barangay President, MPDC, Legal Officer, MLGOO, POSO Chief, at Bayambang PNP Chief.

Kabilang sa mga napagkasunduan ay ang mas pinaigting na clearing ng mga natitirang road obstructions upang magbigay-daan sa tricycle lane sa magkabilaang outer lanes ng mga naturang daan, ang paghahanap ng mga alternatibong ruta, ang posibleng expansion ng jeepney line para sa main road ng bayan mula Brgy. Malimpec hanggang Brgy. San Vicente, at konsultasyon ng mga apektadong tricycle driver.

 

Arrow
Arrow
Slider