49 Frontliners, Negatibo sa Rapid Testing

Sumailalim sa Rapid Diagnostic Test (RDT) para sa COVID-19 ang mga frontliner na myembro ng PNP – Bayambang at ilang mga opisina ng Lokal na Pamahalaan. Gamit ang mga rapid test kits na donasyon ni Mayor Quiambao, at sa pangunguna ni Municipal Health Officer Dr. Paz F. Vallo at ng Rural Health Unit ay lumabas na negatibo sa COVID-19 ang 49 na mga frontliners. Ito ay para sa kaligtasan nila at kaligtasan ng mga Bayambangueño dahil sa araw-araw na pagkaka-expose nila sa publiko.

Arrow
Arrow
Slider