Consultative Meeting Kasama ang LSB at DepEd

Isang consultative meeting kasama ang Department of Education (DepEd) ang idinaos ng LGU noong June 15 sa Municipal Conference Room ukol sa proposal na online class o online enrollment at DepEd Guidelines para sa school year 2020-2021 para sa mga lokal na elementary at national high school. Ang consultation meeting ay pinangunahan nina Municipal Councilor Benjie de Vera at Sangguniang Kabataan Federation President Gabriel Tristan Fernandez, at ito ay dinaluhan ng mga DepEd officials, Dr. Rolando Gloria ng Local School Board, at iba pang LGU officials.

Layunin ng LGU-Bayambang na tumulong sa kung anuman ang plano ng DepEd sa panahon ng ‘new normal’ para sa educational system.

Arrow
Arrow
Slider