Danyos para sa Wawa-San Gabriel 1st-Pugo Roadline Project

Noong June 13, nagpamahagi ng compensation ang LGU sa dalawampu’t apat (24) katao na naapektuhan ang mga lupaing sakahan para sa biglaang konstruksyon ng daan sa Brgy. Wawa patungong San Gabriel 1st at Pugo Evacuation Center. Naroroon sa pamamahagi ng pagbayad ng danyos sa Wawa Barangay Hall sina ex-Councilor Gerry de Vera, Municipal Assessor Annie de Leon, at Engineering Office. Nagpamigay naman ang MSWDO ng 30 kaban ng bigas sa mga apektadong farmers bilang dagdag-kabayaran. Isinagawa ang biglaang konstruksyon nito bilang parte ng mga programa ng munisipyo upang mas mabilis na makapag-responde sa mga apektado ng COVID-19 ang mga healthworkers at frontliners.

 

Arrow
Arrow
Slider