Public Market Inspection

Bumisita ang ilang department heads ng lokal na pamahalaan sa Bayambang Public Market upang mag-inspeksyon ng kalagayan nito at makita kung ano pa ang mga dapat ipatupad bilang parte ng mga programa sa pag-iwas sa pagkalat ng COVID-19. Kasama si PNP-Bayambang Chief PLt. Col. Norman T. Florentino, nilibot ng mga department head ang mga lugar na madalas pinupuntahan ng mga mamimili noong June 25 bilang preparasyon na rin kung sakaling ibaba na sa “new normal” ang bayan. Wala nang bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa Bayambang kaya’t patuloy ang lokal na pamahalaan sa pagsiguro na hindi na muling maaapektuhan nito ang mga Bayambangueño.

Arrow
Arrow
Slider