Public Market, Isinara para sa Malawakang Clean-up Operations

Sa bisa ng Executive Order No. 39 series of 2020, pansamantalang isinara ng gobyernong lokal ang lahat ng establisimyento at stall sa Pamilihang Bayan mula alas otso ng gabi ng June 29 hanggang hatinggabi ng July 1. Ito ay upang bigyang-daan ang clearing, cleaning, decontamination, at marking operations sa buong palengke. Ito ay parte ng preparasyon ng LGU-Bayambang para sa “new normal” upang tuluy-tuloy na tulungang makaiwas ang publiko sa pagkahawa sa COVID-19.

Arrow
Arrow
Slider