Food Packs para sa Child Development Learners

Food Packs para sa DSWD Supplementary Feeding Program, Ipinamahagi

Noong July 3, ipinamahagi ng MSWDO ang food packs mula sa DSWD-Regional Office I na nakalaan para sa Supplementary Feeding Program nito sa mga Child Development Centers ng Bayambang.

Bawat food pack ay naglalaman ng regular at malagkit na bigas, spaghetti at macaroni pasta, bihon, miki, canned tuna, corned beef, sardinas, tomato sauce, Energen, evaporated milk, vegetable oil, munggo, white/black/brown beans, patatas, sayote, upo, at sandosenang itlog.

Ayon kay MSWD Officer Kimberly Basco, may kabuuang 2,902 child development learners ang benepisyaryo ng naturang feeding program.

 

Arrow
Arrow
Slider