PSA Enumerator Applicants, Sumabak sa Exam

PSA Enumerator Applicants, Sumabak sa Exam

Noong July 14, sumabak sa qualifying exam ang 284 na aplikanteng Bayambangueño para sa enumerator position ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang pagsusulit ay isinagawa sa Events Center sa pag-oorganisa ng Local Civil Registry Office.

Ang mga maha-hire na enumerators ay nakatakdang kumalap ng impormasyon sa 77 barangays para sa gaganaping 2020 Census of Population and Housing na mag-uumpisa sa Setyembre 1, 2020, sa pakikipatulungan ng PSA sa Municipal Census Board na pinamumunuan ni Mayor Cezar T. Quiambao.

Ayon kay Local Civil Registar Ismael Malicdem Jr., umabot sa mahigit 500 katao ang sumubok na mag-apply, subalit 200 lamang ang nakapasa sa ginanap na interview. Ang 120 na mapipili ay dadaan sa limang araw na training, at ang 20 sa mga ito na makitaan ng potensyal ay magsisilbing team supervisor at maglalaan ng isa pang araw para sa karagdagang pagsasanay.

“Ang trabahong ito ay nagbukas ng malaking oportunidad sa mga Bayambangueño na nabakante dulot ng lockdown, nawalan ng pagkakakitaan, at hirap sa buhay. Ito rin ay makatutulong sa LGU upang malaman ang datos at impormasyon ukol sa tamang bilang ng mga residente, kabahayan, at establisimyento sa Bayambang, at magamit ang datos katulad na lamang sa paglalaan ng IRA (internal revenue allotment) sa bawat barangay,” paliwanag ni Malicdem.

 

Arrow
Arrow
Slider