Bayambang Agriculture 2020 Plan, Binalangkas

Nagsagawa ng 3-day seminar ang Bayambang Poverty Reduction Action Team na pinamumunuan ni G. Rafael Saygo para sa buong puwersa ng Municipal Agriculture Office at iba pang kaugnay na tanggapan upang balangkasin ang iba’t-ibang estratehiya at proyekto tungo sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura sa Bayambang.

Naroon sina Mayor Cezar Quiambao, Vice-Mayor Raul Sabangan, Councilor Amory Junio, Municipal Administrator Raymundo Bautista Jr., Kasama Kita sa Barangay Foundation CEO Romyl Junio, mga agriculture consultant na sina Maricel San Pedro at Artemio Buezon, at Municipal Agriculture Office OIC Zyra Orpiano upang magbigay ng gabay sa pagbuo ng iba’t-ibang plano para sa nabanggit na layunin.

 

Arrow
Arrow
Slider