Libreng School Supplies sa Nalalapit na Pasukan

Muling namahagi ang Local School Board ng mga libreng school supplies simula July 19 sa limampung public elementary schools ng Bayambang para sa muling pagbubukas ng mga paaralan sa darating na August 24. Pinamunuan ni Dr. Rolando Gloria ang nasabing distribusyon, sa tulong ng MDRRMO at GSO.

Kabilang sa mga ipinamahagi ay 71,152 piraso ng notebooks, 14,353 pad paper, 7,816 lapis, 10,122 ballpen, 18,086 school bags, at 17,788 payong.

 

Arrow
Arrow
Slider