Oplan ‘Night Wolf’

Nagsagawa ng Oplan ‘Night Wolf’ ang ESWMO-Bayambang kasama ang apat na barangay ng Telbang, Sangcagulis, Buayaen, at Dusoc para mahuli at masawata ang mga ilegal na nagtatapon at nag-iiwan ng mga saku-sakong basura tuwing gabi at madaling araw sa Telbang-Sangcagulis-Buayaen-Dusoc Road.

Nagtulung-tulong ang mga barangay officials ng mga naturang barangay kasama ang mga enforcers ng ESWMO sa operasyong ito para panatiling malinis ang bayan ng Bayambang at ng kani-kanilang nasasakupang barangay.

Arrow
Arrow
Slider