SOMA 2020

Matagumpay ang ika-apat na SOMA ni Mayor Cezar Quiambao na ginanap noong July 30 sa Sangguniang Bayan Session Hall. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Quiambao ang plano sa muling pagbangon ng Bayambang mula sa pandemyang dulot ng COVID-19 at sa pagpapatuloy ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan.