Tutok na sa BayambangueÑEWS Live!

Mas madali nang makakakuha ng impormasyon ukol sa mga programa at proyekto ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang ang taumbayan dahil sa BayambangueÑEWS Live na sinimulan noong November 18. Kasama ang host nito na si Rafael Saygo, tatalakayin ng mga department head, mga opisyal, mga empleyado, at mga myembro ng iba’t ibang sektor ang mga ginagawa ng kani-kanilang opisina para sa benepisyo ng mga Bayambangueño. Naging unang panauhin sa programa sina Mayor Cezar T. Quiambao at kanyang maybahay na si Local Council of Women Chairperson Niña J. Quiambao. Ang BayambangueÑEWS Live ay mapapanood tuwing Miyerkules at Biyernes, alas onse ng umaga (11AM) sa Balon Bayambang Facebook page.

Arrow
Arrow
Slider

 

Prev post:
Modernized PUJ
Next post:
SingKapital 2020